June 25, 2008. nagtext sa smart number ko si hubert, sabi niya break na sila ni cherry. hindi ko masyadong pinansin 'yon kasi, madalas naman silang away-bati. wala akong pang text sa globe kasi unli ako noon sa smart. kaya sabi ko sa kanya, "sige itetext na lang kita pag unli ako sa globe". our conversation ended there.
the next day, nag globe na ako. tinext ko siya, nangangamusta. then nung gabi, habang magkatext kami, biglang napunta ang usapan sa kung pwede ba siyang pumunta dito sa bahay namin. okay lang naman sa akin, kasi kaklase ko naman siya nung highschool, kakilala, walang halong malisya. sabi naman niya, baka magalit yung nanay ko. tinanong ko siya kung bakit naman magagalit yung nanay ko. ang sagot niya, baka isipin ng nanay ko na NANLILIGAW siya. sabi ko naman, 'di ba hindi mo naman gagawin yun? at ang sabi niya, pa'no kung gawin ko? natigilan na lang ako at napaisip.
matagal na pala niya akong "crush" simula pa nung 3rd year high school kami. hindi ko naman siya masyadong close noon, kasi nga may girlfriend siya, si cherry.
first week ng july 2008 linigawan ako ni hubert. pero nasa state of shock pa rin ako. natuloy nga ang binabalak niyang pagpunta sa amin. nakilala niya yung pamilya ko. ayos lang naman ang lahat. hanggang sa dumating ang pinakahihintay naming araw.
july 19, 2008, nag date kami sa MOA. syempre date nga, kaming dalawa lang. doon ko na siya SINAGOT. and indeed, we became one.
pagkatapos noon, madami ng balita ang naglipana. kesyo wala pang isang month nagbreak si hubert at si cherry, naging kami na. at ang pinaka mabigat pa doon, magkatropa pa kami ng ex niya. as in "tropa". doon ko natanong ang sarili ko, may pinipili ba talaga ang love? nag iba ang tingin sa amin ng mga classmate namin. may iba, ayaw, meron namang iba, okay lang sa kanila. its awkward, i know. but, mapipigilan ba namin ang mga sarili naming magmahal? i doubt it.
most of the blame ay kay hubert. wala pa silang formal break-up ni cherry. kaya ko hinayaan si hubert na ligawan ako, kasi he needed someone who will understand and will take care of him. and willing naman akong gawin yun for him. hindi ko na-feel yung tinatawag na panakip-butas(ang tawag 'ko dun eh vulcaseal) kasi pinaramdam niya talaga sa akin na mahal niya ako.
our sweetness lasted for about 11 months. hindi na niya kasi ako masyadong mapagtuunan ng oras dahil sa studies namen. TIME is what our relationship is lacking. madalas naman kami magkita, but that's not enough to work this out. and on june 22, we broke up.
now, after a year simula ng maghiwalay kami. we are reviving our LOVE for each other. i must say na hindi nawala yung love na yun. kami na ulit, and i hope na it will last a life time pa.
No comments:
Post a Comment